torture. torment.
peace of mind. please.
grabe, hands down. hands down talaga. ang galing mo sobra. sobra.
sana natutuwa ka na.
potang ina mo. ponyeta
Tuesday, October 27, 2009
masaya ka na?
Posted by mox at 12:17 PM 0 comments
Saturday, October 3, 2009
rehab
Heto na naman. Nasasaktan na naman ako. Ewan ko ba. Si dinami dami ng pagkakataon na pinamukha sa akin, di pa rin ako natitinag. Palagi na lang akong nagpaplano ng ganito, ng ganyan. Tapos, ayun, parang tanga magpapakatanga ulit. Naiinis lang ako dahil mag-isa lang ako sa problemang toh. Alam mo yung ako lang ang nagpproblema so ang solusyon lang is ay nasa sarili ko. Bakit ba kasi wala akong self control pagdating sa bagay na toh. Nakakainis. Nakakainis. Please ayaw ko na. ayaw ko na talaga.
Gagawin ko na toh, hindi para sa kanya, hindi para maapektohan siya, or para magsisi siya. Kundi gagawin ko toh to para sa sarili ko. To spare myself from the pain. naapektohan na buhay ko. Pero ang hirap niyang simulan. Sobrang hirap. Nakakainis.
So much of the conceit bullshit.
matagal na nung huling may ginawa akong matino para sa sarili ko.
Hahay.
Posted by mox at 5:16 PM 0 comments
Thursday, October 1, 2009
Blind Spot
30/09/09
Matagal nang sinasampal sayo pero patuloy ka pa rin. Matagal nang pinapamukha sayo pero patuloy ka pa rin. Matagal ka nang minumulat pero patuloy ka pa rin. Matagal ka nang nasasaktan pero patuloy ka pa rin.
Sa mundong ito kung saan posible nang mangyari ang lahat ng bagay, paano ka pa maniniwala? Saan? Paano mo malalaman kung aasa ka pa ba o hindi? Sa mundong ito kung san pwedeng biglang maglaho lahat ng pinananiwalaan mo, ano pa ba ang panghahawakan mo?
Ang tanga tanga. Ang tanga tanga talaga.
Posted by mox at 12:12 PM 0 comments
Tuesday, August 25, 2009
irrational
perhaps
perhaps
perhaps
wala lang, gusto ko lang sabihin.
Posted by mox at 9:43 PM 0 comments
Tangency
Bago bago lang kasi bibili sana ako ng cold milk choco, tapos ang nakuha ko ay hot choco. Ewan ko bakit hot choco ang nasabi ko, siguro subconsciously namimiss ko yung hot choco sa kalay kaya kusa na lang itong sinasabi ng bibig ko . :O parang naalala ko kasi, isa yung sa mga bukambibig ko nung nakatira pa ako sa kalay.
Meron pa tong instance na, may itetext ka sa isang person, kunwari something special or sweet tapos, di siya nagreply sa tinext mo, lumipas ang seconds, minutes, hours, days (exagg na) , wala pa rin siyang rep, tapos makakalimutan mo na lang na naghihintay ka pala ng reply. Then one day, magbubura ka na ng messages, tapos makikita mo sa sent items mo, sa ibang tao mo pala nasend XP
Stupidity. Nakakainis.
Posted by mox at 7:17 PM 0 comments
Saturday, August 22, 2009
okay ?
matagal tagal na rin pala nung huli akong nagpost ng blog dito, hindi naman sa hindi ko toh binabalikan, hindi ko lang talaga kayang iput into words ang mga gusto kong sabihin. yung mga thoughts ko.
naisip ko lang na tuwing pag nagbblog ako dito, it's either malungkot ako, depressed or galit or yung super saya.
siguro, kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon. kahit na tumigil na ako sa pagsasayaw. kahit na hindi ko na gaanong nakakausap ang mga dating kong malapit na kaibigan.
nitong mga huling araw ay napaisip isip ako kung sino talaga yung mga totoo kong kaibigan. tapos narealize ko, hindi pala sila ganun karami. wala lang, yung nagcacare talaga. hindi lang yung lalapit lang pag may kailangan sila or something. yung mga friends na nandyan para bigyan ka ng advice tuwing kailangan mo. yung tipong hindi ka ijujudge pag may nagawa ka.
gusto ko lang sabihin na parang super tagal na nung huling naging ok ako. OK NA AKO.
Posted by mox at 9:19 PM 0 comments
Thursday, December 18, 2008
Journal 1
di ko alam kung may nagbabasa pa ba sa blog na ito. matagal tagal na rin kasi nung huli akong nagpost dito. sobrang busy na ako sa pagbabalanse ng buhay ko at wala nang natitirang panahon para magsulat or magblog man lamang.
kakauwi ko lang sa davao at di ko alam kung dapat ba akong maging masaya or malungkot. kasi, ewan, parang naging parte na rin kasi ng buhay ko ang pananatili dun. marahil dahil na rin siguro sa sobrang bilis ng pagadjust ko dun at nasanay na ako sa way of living kaya naman parang kelangan ko na namang ulitin ang process at kelangan kong mag adjust sa pamumuhay dito sa Davao.
marami rami na rin pala ang nangyari sa buhay ko mula nung bumalik ako ng Diliman for second sem. So far, naging masaya ang one and a half months of stay ko sa Diliman. marahil dahil na rin siguro sa pagiging close ko sa mga bago kong kaibigan. masaya ako dahil nakahanap ako ng mga taong tatanggap sa mga kalokohan ko sa kabila ng difference ng aming culture. kung di ko rin siguro sila nakilala, di ko alam kung anong mangyayari sa akin dahil wala naman talaga akong makakausap sa dorm. yung mga tao kasing ineexpect kong iintindi sa akin ay siya pa mismong mga taong nagjudge sa mga ginagawa ko. ANYWAY. masayang masaya ako dahil at least, may mga tao na akong makakasama. pero, nangangamba pa rin talaga ako na baka, dumating yung panahon na di ko na sila makakasama. yung tipong magaya na naman sila sa mga old friends ko, mawawala at iiwan ako. sobrang adjusted na kasi ako sa kanila at malulungkot ako ng grabe kapag nag drift T_T ayan. nasabi ko na.
natanggap rin pala ako sa auditions ng UP Street Dance. masaya ako. pero hindi kasing saya gaya ng iniimajin ko bago mag auditions. nararamdaman ko na kasi yung hirap ng pag-aapply pero iniisip ko na lang na para sa akin rin yung training kaya aayusin ko. paminsan lang talaga tinatamad talaga akong pumunta. siguro, kung wala yung mga kaibigan kong palagi ako sinasapak at binabatukan sa ulo, hindi siguro ako matatauhan at matagal na akong nagdefer. kasi ganito yun, yung training kasi, Tue and thurs. tapos, pag wed at fri, chem namin. siyempre diba, magkacram pa akong prelabs at post labs at mag-aaral pa ako para sa recits at DG. pag uwi kong dorm, bagsak na ako sa bed sa sobrang pagod. tsaka, nababawasan yung bonding time ko with my friends. basta, gets mo na yun. pero ok na ako ngayon, tinatry kong ibalanse ang buhay ko at thankful naman ako sa mga tao at kay Lord na palaging nanjan para tulungan ako.
naalala ko ,sabi ko sa sarili ko, kapag natanggap ako sa UP Street, ikakarir ko na ang pagsayaw. tapos, ngayon, naiinis ako sa sarili ko dahil umaandar na naman ang pagiging insecure ko. >.<
anyway, yun na lang muna, at least mejo gumaan gaan na ang loob ko dahil nasabi ko na yung mga bagay na kinikimkim ko for the past few weeks.
Posted by mox at 3:38 PM 2 comments
.jpg)